Isang malagim na balita ang bumalot sa Davao del Sur noong Biyernes ng umaga, Nob. 11, matapos madiskubre ang dalawang bangkay ng dalagita na hinihinalang hinalay pa ng kanilang stepfather.
Sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), ang mga biktima ay edad 11 at 15, kapwa wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang bahay sa Purok Mangga, Landing, Sta Cruz, Davao del Sur.
Nahaharap sa kasong kriminal ang suspect na si Jessie Bon Palomo na nasakote sa manhunt operation sa Banisilan, Cotabato habang papatakas patungong Cotabato City.
Nadakip si Palomo na amain ng mga biktima, ng pinagsanib na operatiba ng Sta Cruz, Municipal Police Station-Police Regional Office (PRO) 11 at Police Regional Office–SOCCSKSARGEN.
Nakumpiska sa suspect ang isang 12 gauge shotgun at ilang sachet ng hinihinalang ‘shabu’.
Ayon kay P/Col. Kristopher Sabsal, acting chief ng Sta Cruz Municipal Police Station (MPS), posibleng ginahasa ang mga biktima dahil ang isa rito ay walang saplot nang abutan ng mga rumespondeng otoridad.
Sa ulat ng PNA Digos City, ang dalawang bata ay ipinagkatiwala sa kanilang amahin dahil ang kanilang ina ay namamasukan bilang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.