Babala sa mahilig sa astig na gupit.
Isang family driver ang sinibak sa trabaho dahil hindi natipuhan ng kanyang amo ang bago nitong gupit.
Lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo and complainant na si Emdilsan Dio, dating driver ng isang retired associate justice.
Reklamo niya, hindi makatarungan ang pagsibak sa kanya sa trabaho dahil lang sa astig na gupit nito.
“Pinalayas po ako ng amo ko tapos po sinibak. Nagalit siya sa gupit ko. Sabi niya hindi ka ba nahiya? Nagmukha ka ng gusgusing hampaslupa ka talaga. Sinabihan pa ako patay gutom daw,” sumbong ni Dio.
Ayon kay Dio, hindi naman mismo ang amo niyang retired justice ang nagpalayas sa kanya sa trabaho kundi ang manugang nito.
Sinibak daw ang driver dahil kahiya-hiya ito kung makitang astigin ang kanyang gupit, gayong isang mahistrado ng husgado ang kanyang boss.
“Ang sabi pa sa akin, alam mo ba kung ano ang dinadrive mo is Justice? Ang sabi ko wala namang problema maayos lang naman po yung gupit ko,” kuwento pa ng sinibak na driver.
Nang dahil pa raw sa gupit, pinagbantaan siya ng manugang ng kanyang amo na ipa-papatay siya nito.
Humingi rin ng saklolo sa #ipaBITAGmo ang driver na makuha ang kanyang huling sahod.
Sa huli, itinanggi ng inirereklamo ang mga akusasyon ng complainant.
Ang mga sumunod na eksena panoorin sa:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.