Halos maglupasay sa panghihinayang ang isang manggugupit matapos limasin ng kanyang barbero ang mga naipundar nitong gamit sa kanyang barber shop. Nagpasaklolo sa long-running investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang biktimang si Maria Perla Azares Geloc, 37, taga-Malabon City.
Kuwento ni Geloc sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, tatlong araw pa lamang nagbubukas ang kanyang barber shop. Sa pang-apat na araw aniya, laking gulat nito nang maglaho ang kanyang mga gamit.
Ang ikinasasama pa ng loob ng barbero, suklay lang daw ang itinira ng kanyang dating tauhan na si Benzon Toledo Basas. Nilimas daw lahat ni Basas ang mga gamit tulad ng rasor, gunting, apron, haircut guide, at speaker.
Lalo pang masakit, ipinangutang lang daw ni Geloc ang pinambili sa mga gamit dahil sa kagustuhang magsarili mula sa 15-taong pangangamuhan bilang manggugupit. Ayon sa biktima, siya pa ang nagturo sa suspek na matuto sa pag-gupit kaya laking panghihinayang nito.
Dahil sa nakakaawang sitwasyon ng complainant, nangako ng tulong ang program host ng #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo.
PANOORIN:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.