Magkasunod na panalo ang naitala ng Gilas Pilipinas sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos talunin ngayong araw ng Philippine team ang koponan ng Saudi Arabia sa iskor na 76-63.
Pinangunahan nina Roger Pogoy at Dwight Ramos ang ratsada ng Gilas dahil sa kanilang tig-13 puntos.
Nag-ambag ng 11 points, 9 rebounds ang big men ng Gilas na si Kai Sotto, habang may 10 points at 4 rebounds naman ang shooting guard na si CJ Perez.
Top scorer para sa Saudi team si Ma. Almarwani na nagtala ng 19 points, sinundan ni Abdel Gabar na may 16 points.
Umakyat na sa 5-3 ang kartada ng Gilas sa kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup, habang lumagapak naman sa 2-6 win-loss record ang Saudi Arabia.
Una nang nilampaso ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia noong 4th window ng torneyo sa iskor na 84-46 sa tulong ng Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson.
Unang pinataob ng Gilas Pilipinas sa 5th window game ang Jordan s iskor na 74-66 noong Nobyembre 11.
Muling sasabak sa hard court ang Gilas kontra sa Lebanon at Jordan sa Pebrero 2023.
The Scores: PHILIPPINES (76) — Ramos 13, Pogoy 13, Sotto 11, Perez 10, Thompson 9, Parks 8, Aguilar 6, Kouame 5, Malonzo 1, Oftana 0, Erram 0, Quiambao 0.
SAUDI ARABIA (63) — Ma. Almarwani 19, Abdel Gabar 16, Mo. Almarwani 8, Kadi 6, Aljohar 5, Ashoor 4, Shubayli 2, Mohammed 2, Belal 1, Saleh 0, Almuwallad 0, Albargawi 0.
Quarters: 16-16, 31-25, 55-45, 76-63
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.