Taong 2018, nakatikim ng malupit na hambalos at puna ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos gisahin ng beteranong investigative journalist na si Mr. Ben Tulfo dahil sa sumbong ng isang matanda.
Nagpasaklolo sa BITAG New Generation ang pobreng lolo na si Rodolfo Raymundo dahil sa aniya’y panggigipit sa kanya ng isang opisyal noon na kinilalang si Police Chief Inspector Renato Badajos ng Butuan City.
Dati umanong nagtrabaho ang complainant sa opisyal. Hindi niya natapos ang trabaho sa pulis dahil mababa raw ang pasweldo.
Dito na nagsimula ang kalbaryo ng pobreng manggagawa. Nilabasan umano siya ng warrant of arrest dahil sa reklamo ng pulis.
Sa halip na makipag-usap ng masinsinan ang police captain, tila nag-angas pa ito nang makausap ang program host na si Mr. Ben Tulfo.
“Makinig ka Police Chief Inspector Renato Badajos ng Butuan City. Ikaw, para sa’yo ‘to. Maangas ka ha. Wala akong pakialam kung pulis ka. Kung wala ka sa tama, e ano ngayon hubarin mo yung
uniporme mo, kikiskis ko mukha mo sa semento,” bungad ni Tulfo.
“Pinagtrabaho niyo sapilitan yung lolo, e siguro napagod na mababa yung bayad. Alam niyo po ba yung ginawa nitong kolokoy? Dinemenda niya. Anong demanda? **. Panlilinlang. Paano nanlilang yung pobre?”
At dahil puro sablay ang paliwanag ng inirereklamo, lalong uminit ang hambalos ni ‘El Tigre’ Ben Tulfo sa pulis.
Ang maiinit na hambalos ng BITAG, panoorin:
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.