Isang opisyal ng Philippine Army (PA) ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ang sarili noong Nobyembre 13, sa Camp Capinpin, Brgy. Sampaloc, Tanay Rizal.
Naisugod pa sa ospital ang biktima na si Major Reynaldo Cañete ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pero binawian din ng buhay. Sa salaysay ng testigong si Army Major Dave Anthony Papael, ala-1:00 ng hapon noong Lingo nang naabutan niyang naliligo sa sariling dugo ang biktima sa kanyang kuwarto sa Old Central Barracks Building ng Camp Capinpin.
Batay sa paunang imbestigasyon ni PSsgt. Jason Magbanua, isang Glock 17 pistol na may serial no. AFP 029823 ang nakuha sa tabi ng biktima. Sapul sa ulo ang biktima kaya hindi rin ito tumagal nang isugod sa
Army Station Hospital sa Camp Capinpin. Hinala ng mga otoridad, maaaring aksidenteng nakalabit ng biktima ang nililinis na baril at tumama ito sa kanyang ulo.
Gayunpaman nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon kung may foul play sa insidente.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.