Limas ang gamit ng magkasintahang nag-check in sa isang hotel sa Clark, Pampanga.
Niransak at ninakawan ng hindi pa kilalang suspek ang kwarto ng magkasintahang si Jessa Ancajas at Australian boyfriend na si Peter Manass noong April 12.
Humingi ng tulong si Jessa sa investigative public service program ng BITAG upang maibalik ang mga nalimas nilang gamit tulad ng Apple Macbook, Apple Ipad, Australian passport, necklace, mga bank book, at cash na P20,000 at 700 Dollar. Sa pahayag ni Jessa sa BITAG, lumabas lang sila saglit ng kanyang boyfriend upang maglakad-lakad at mag “bird watching”.
“Wala pa po kaming dalawang oras sa labas, bandang alas diyes ng umaga ay lumabas po kami para mag bird watching, bandang alas-dose ay bumalik na po kami sa kwarto” pahayag ni Jessa sa BITAG.
Sa panayam ng BITAG kay PSSG Regie Lace, imbestigador ng Mabalacat Police
Station, sinabi nito na hindi lang isang kwarto ng Hotel Seoul ang ninakawan ng araw na iyon.
“Chineck namin ang CCTV at mayroon ngang nanloob doon na isang lalaki na naka-suot ng bull cap. Dalawang magkatabi na kwarto po ang pinasukan niya.”
Sinisilip din sa imbestigasyon ng pulisya kung may pagkukulang ang management lalo na sa kanilang security at pagbabantay sa pasilidad dahil madaling buksan ang mga pinto ng hotel.
“Nagtaka kami, paano nakapasok ito eh digital yung mga pintuan nila, kung tutuusin modern pa. Tinesting namin yung mga ID namin, siningit namin yung ID ‘tas nabubuksan, sir!” pahayag ng imbestigador.
“Mukhang may idea na siya kung pamasok sa mga kwarto na ‘yan, kasi walang force entry, sir.”
Dahil sakop ng Clark Development Corporation (CDC) ang hotel, nanawagan ang BITAG na pansamantalang isara ang hotel habang nagsasagawa sila ng imbestigasyon.
“Ang business permit ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob sa mga negosyo at ang katumbas nito ay pananagutan sa taong bayan.”
Ang pag-aksyon ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.