Hindi uubrang depensa sa husgado ang palusot ng mga hotel/inn owners na walang pananagutan ang management sa mga mawawalang gamit kapag magcheck-in sa hotel, inns o sa mga motel.
Isa sa kasong inaksiyunan ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang reklamo ng magnobyong nag-check in sa isang hotel sa Clark, Pampanga.
Limas ang gamit matapos looban ng mga magnanakaw ang kanilang inuupahang kwarto.
Nawawala ang kanilang Apple Macbook, Apple Ipad, Australian passport, necklace, mga bankbook, at cash na P20,000 at 700 Dollar.
Isinangguni ng #ipaBITAGmo sa resident lawyer ng BITAG Multimedia Network (BMN) na si Atty. Melanio “BATAS” Mauricio, kung may pananagutan ang mga hotel owners sa mga ganitong insidente?
Ayon kay Atty. Batas, hindi uubra ang mga palusot ng hotel na “The hotel will not be liable for the losses that will be incurred by the guest”.
“Hindi pwede ‘yan. Bawal po ‘yan sa ilalim Kodigo Sibil ng Pilipinas,” giit ni Atty. Batas.
“Sa ilalim po ng Artikulo 2003. ‘Yan ha, ng Kodigo Sibil ng Pilipinas, hindi po pwedeng alisin ang pananagutan ng mga may-ari ng hotel.”
Malinaw aniya sa Civil Code of the Philippines na may pananagutan ang mga hotel sa mga insidente ng nawawalang gamit.
“Dapat magbayad ang hotel sa dami ng danyos perwisyos dyan. Actual na actual sa mga gamit na nawala at doon sa sama ng damdamin pagkabagabag, pagkabalisa, pagkapahiya na nararamdaman noong mga guest.”
Para sa konkretong paliwanag ni Atty. Melanio “BATAS” Mauricio ukol dito panoorin.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.