PATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro ng 58th Infantry (Dimalulupig) Battalion sa Sitio Tapol, Brgy Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental noong Nob. 14, Lunes.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), posibleng kasapi sa pangkat ng Platoon Falcon Sub-Regional Committee (SRC) ng NPA North Central Mindanao Regional Committee (NPA-NCRMC) ang nakasagupa ng militar.
Ayon sa AFP, sampung armadong kalalakihan ang nakabarilan ng mga militar na tumagal ng sampung minuto.
Dalawang bangkay ng mga rebelde ang naabutan ng AFP nang magsagawa ng clearing operations sa encounter site.
Narekober din sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng baril tulad ng M16 rifle, M653 rifle, cal. 22 rifle, medical tools at ilang subersibong dokumento.
Patuloy ang isinasagawang pursuit operation ng tropa ng laban sa mga rebelde.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.