NAGUUMPISA nang manawa ang publiko sa kaso ng pinaslang ng mamamahayag na si Percy Lapid.
Sa dami na ng talking heads, narratives o ngakngak – nalilihis na ang isyu. Kaliwa’t kanang personal na akusasyon dito at doon.
Nagsalita na ang inaakusahang si dating BuCor Director Gen. Gerald Bantag. Parang bombang sumabog sa mga nag-aakusa sa kaniya ang kaniyang mga salita.
Dahil maraming hamon at akusasyon laban sa kaniya, naghamon din siya. Sumagot siya sa media sa paratang sa kaniya dahil hindi pa naman siya sintensiyado.
Walang puwedeng pumigil sa kaniyang sumagot. Hindi pa nga naman napapatunayan na siya ang nasa likod ng krimeng ibinibintang sa kaniya.
Dahil diyan, sumagot naman agad ang pamilya ng difunto. ‘Wag daw paniwalaan si Gen. Bantag dahil ito’y isa lamang sa kaniyang diversionary tactics.
Wait a minute, hindi natin puwedeng isubo sa tao kung ano ang kanilang dapat paniwalaan o suportahan. Gusto ng publikong marinig both sides.
Ang sinasabi kasi ng publiko, puro testimonial evidence na pangalan ng akusado lamang ang kanilang nakikita.
Nasaan daw ba ang hard evidence na makapagtuturo “diretso” sa akusado? Where is the probable cause connecting the dots kung saan siya mismo ang tinuturo?
Mga Boss, Tsip, amo, hindi kasi ito parang science experiment na I therefore conclude…
Again, he is innocent until proven guilty by the court.
Ang resulta, nauna na ang public opinion at judgement. Naging national entertainment, pambansang libangan.
Ang masaklap, nagbu-boomerang effect ang lahat sa pamilya noong difunto.
Sa halip kasi nagmumove-on na sa progreso ng kaso, nabubuwisit na ang mga tao. Ultimo Senado, nanawa na.
Ipaubaya na kasi natin sa hukuman, tigil na ang bakbakan. Hayaan na ang hukuman nang maumpisahan na ang dapat umpisahan
The proper forum is the court, lahat ng dapat ipasang ebidensiya ay sa korte.
**********
Maraming Percy Lapid na pinapatay sa mga probinsiya dahil sa kanilang pinaggagawa at uri ng trabaho.
Hindi sila pinapaslang dahil sa kanilang trabaho. Kundi sa kanilang pinaggagagawa.
‘Yung kanilang paglalantad at estilo ng paglalantad – dito laging nagkakatalo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.