Nakausap mismo ni Mr. Ben Tulfo sa public service program na #ipaBITAGmo ang anak ng ginang na nag-viral sa isang palengke. Unfiltered na itinanong ni BITAG si Mabel kung bakit nasa labas ng bahay ang kanyang nanay ng panahon na iyun.
“Maraming nagtatanong, bakit niyo pinabayaan na makalabas ang nanay niyo sa inyong bahay?” tanong ng BITAG kay Mabel. “Hindi namin pinabayaan sir, nung time na ‘yun hindu naming nasundo agad sa palengke kasi naghanap po kami nga gamot kaya hindi naming siya napuntahan, kami lang po ng kapatid ko ang nasa bahay” sagot ni Mabel.
Ipinaliwanag ng BITAG na bagamat mali ang ginawa sa nanay ni Mabel ay mayroon pa ring pananagutan ang mga anak nito sa kanilang nanay na may bipolar disorder.
“Ipinagtanggol ko ang nanay mo kasi hindi niya alam sa sarili niya kung ano ang nagyayari pero hindi kita sasantuhin dahil ikaw ang anak” paliwanag ng BITAG kay Mabel. Paliwanag ni Mabel sa BITAG, nahihirapan daw silang painumin ng gamut or maintenance ang kanyang nanay kaya minsan ay nagbabago daw bigla ang mood nito.
“Umiinom po siya ng gamot minsan pero ayaw niyang inumin ang kanyang maintenance kasi hindi ni matanggap ang kanyang sakit” sabi ni Mabel. Panawagan ni Mabel sa publiko, huwag nang i-share o ipakalat pa ang video ng kanyang nanay na nagwawala sa palengke.
Dahil sa nangyaring insidente, tutulong daw ang local government ng La Libertad sa pagpapagamot sa nanay ni Mabel. Nakausap din ng BITAG si Vice Mayor Romeo Mejias ng La Liberted, gaya ni Mabel gusto rin nila na hindi na kumalat pa ang video ng ginang.
“It’s not funny anymore!” Vice Mayor Romeo Mejias. Nangako si Mabel sa BITAG na simula ngayon babantayan na niya ng maayos ang kanyang nanay. “Ang pakiusap ko sa’yo Mabel mabantayan ng maayos ang nanay ninyo dahil kung hindi baka ma-confine pa siya, mahalin mo ang nanay mo dahil isa lang ‘yan” paliwanag ng BITAG kay Mabel.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.