Patay sa sakal ang isang barangay official sa kanyang pastor na mister sa Brgy. 7 Poblacion, Camalig, Albay noong Lunes, Nobyembre 14. Nakilala ang biktima na si Glenda Osia Diaz, 52-anyos, barangay secretary.
Samantalang kritikal naman ang lagay ng mister nito na si George Naz Diaz Jr., 44-anyos, matapos niyang saksakin ng kutsilyo ang sarili sa dibdib. Ayon sa ulat ng Camalig Police, bandang alas-10:30 ng umaga nitong Lunes, nagpunta sa bahay ng mag-asawa si Clint Naz Diaz, kapatid ng suspek upang paalalahanan sila sa gaganaping misa sa kanilang simbahan.
Nang makapasok si Clint, nagulat siya nang makitang nakadapa si Glenda habang duguan at nakatarak pa ang isang kutsilyo sa dibdib ni George. Agad niya itong itinawag sa pulis at Municipal Disaster Risk Reduction Management ng Camalig upang isinugod ang ginang sa Rural Health Unit pero hindi na ito umabot na buhay.
Samantalang isinugod isinugod naman sa pagamutan sa Legazpi City ang suspek. Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-asawa at sa sobrang galit ay nasakal ng mister ang misis nito at saka kumuha ng kutsilyo at nagsaksak sa sarili. Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.