MAGANDANG balita na umaangat na ang ekonomiya ng bansa. Sumisigla nang muli ang mga negosyo lalung-lalo na ang industriya ng turismo. Bumabalik na ang confidence ng mga dayuhan at lokal na turista na bumiyahe, mamasyal at magbakasyon.
Kuwidaw, ang mga kawatan at dorobo – aktibo na rin. Magi-ingat sa isang hotel sa may Clark, Pampanga. Tila ginawang pugad at pasyalan din ng mga magnanakaw ang mga hotel rooms.
Kaya ang mga turistang naaaliw mag-nature tripping at bird watching sa umaga, pagbalik ng kanilang mga kuwarto’y masusorpresa sa kanilang madaratnan.
Tulad ng isang Pinay na lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo. Kasama ang kaniyang boyfriend na isang australian citizen, napili nila ang Hotel Seoul Clark para mag-staycation.
Kung tutuusin, hindi ito pipitsuging hotel, magaganda ang mga kuwarto’t pasilidad. Hindi mo aakalaing may mga nakabantay na buwitreng lulusob paglabas ng kanilang hotel room.
Umagang tapat, tirik ang araw, 2 oras pa lamang nakakalabas ng kuwarto ang mga biktima ay may nangyayari na palang kababalaghan sa kanilang kuwarto.
Pagbalik nila, nagkalat na ang kanilang mga gamit at ang vault kung saan nakalagay ang passport, australian dollars at philippine peso na pera ng dalawa – tinangay din ng kawatan.
Literal na nilimas ang kanilang mahahalagang gamit. Laptop, ipad, alahas, wallets at credit cards. Ultimong vault, tinangay ng putres na magnanakaw. Here’s the catch, sa imbestigasyon na ginawa ng Mabalacat, Pampanga Police Station – not one, but 2 rooms ang nilooban at ninakawan ng kawatan noong mga oras na ‘yun.
Mukhang kampante ang hinayupak na maglabas masok sa mga kuwarto ng Hotel Seoul Clark.
Ayon sa pa sa imbestigador na nakausap ko, kahit anong card ang gamitin – prepaid card, lisensiya, ID, atbp ay mabubuksan ang mga kuwarto.
Sumbong sa BITAG ng biktima, sagot raw ng management sa kanila – wala raw pananagutan ang hotel sa nangyaring nakawan. Mga ijo de puto’t kutsinta, malayang nakakalabas-masok ang kawatan sa hotel, sablay ang seguridad ng mga guests at kanilang mga gamit, tapos sasabihin niyong wala kayong pananagutan?
Eto naman ang sagot sa BITAG ng inirereklamong hotel sa pamamagitan ng email (verbatim):
With regard to the request for a phone patch, we cannot accommodate your request because the company at present is undergoing a change of management team and the previous team is already relieved of their positions.
Thank you
(Name withheld)
Admin Officer
Somang Global Clark Corp.
Puwes, wala rin kayong karapatang mag-negosyo! Dahil ang lisensiya niyo, may kaakibat na responsibilidad, hindi para kumita lang.
O kayo diyan sa Clark Development Corporation, kayo ang nagbibigay ng lisensiya sa lintek na hotel na ‘to.
Sinabi ko na sa inyo sa ere to – habang nagi-imbestiga kayo, ipasara niyo ang hotel na ito para wala ng sumunod na mga biktima!
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.