
Photo courtesy of BOC NAIA

Photo courtesy of BOC NAIA

Photo courtesy of BOC NAIA

Photo courtesy of BOC NAIA
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang humigit-kumulang 24 kilo ng alahas sa banyo ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL).
Sa press statement ng PAL, nadiskubre nila ang tila nabaklas na dingding ng banyo ng isa nilang aircraft kaya agad nila itong ipinagbigay-alam sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP).
Nadiskubre ang kontrabando sa lavatory ng PAL flight PR 301 nang lumapag ito sa NAIA, Huwebes ng gabi mula Hong Kong.
Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P80 million ang value ng mga nasabat na alahas.
Ayon kay BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, isasailalim nila sa masusing imbestigasyon ang mga personalidad na may kinalaman sa biyahe ng PAL.
Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng PAL ang masusing imbestigasyon kung paano naisingit sa banyo ng kanilang aircraft ang mga kontrabando.
“PAL continues to cooperate with the PNP and the BOC to ensure an orderly and thorough probe. Rest assured, the investigation is underway to ferret out the truth behind this incident,” ayon sa press statement ng airlines.
Photo courtesy of BOC NAIA
Photo courtesy of BOC NAIA
Photo courtesy of BOC NAIA
Photo courtesy of BOC NAIA
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.