Huwag maliitin ang presyo ng mga lumang bola.
Sa bansang Argentina, instant millionaire ang referee na nakakuha sa bolang pinasikat ng football legend na si Diego Maradona na tinawag na “Hands of God”.
Pumalo lang naman sa £2 million (pound sterling) ang presyo ng naturang soccer ball o katumbas ng tumataginting na P136.3 million.
Ang “Hand of God” ang itinuturing na pinakasikat na bola sa bansang Argentina dahil bahagi ito ng kanilang kasaysayan bilang bansa na nakilala sa sports na football o kilala rin sa tawag na soccer.
Ang naturang bola kasi ang nagpanalo sa Argentina laban sa England noong 1986 World Cup quarter-finals.
Tatlumpu’t anim (36) na taon itinago ng football referee na si Tunisian Ali Bin Nasser ang bola.
Sa isang public auction, pumalo ang halaga nito sa £2 million (pound sterling).
Ibinenta umano ni Nasser ang bola upang mailagay ito sa isang sports museum na maaaring mabisita ng publiko.
Ang “Hand of God” ay naging simbolo ng makasaysayang panalo ng Argentina kontra England noong 1986 World Cup sa iskor na 2-1.
Tanging si Maradona ang umiskor sa dalawang puntos ng Argentina.
Una ng naibenta ang uniporme ni Maradona noong Mayo sa halagang $9.3 million o halos kalahating bilyong piso.
Si Diego Maradona ay pumanaw noong 2020 sa edad na 60.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.