Nakauwi na ang halos 200 mangingisda na anim na buwang natengga sa pantalan ng Papua New Guinea, isang linggo matapos makaabot sa BITAG ang kanilang paghingi ng saklolo.
Nitong Nobyembre 11, sinundo ng barko ng kumpanyang RD Fishing ang mga mangingisdang Pinoy at hinatid sa General Santos City.
Sa sumbong ng mga mangingisda sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo, isang taon nang expired ang kanilang mga kontrata. Nakatengga’t natutulog lamang ang mga ito sa barkong nakadaong sa pantalan ng Papua New Guinea.
Reklamo pa ng mga mangingisda, tila pinabayaan na sila ng kanilang kumpanyang RD Fishing. Matagal na umanong nananawagan ang mga ito na mapauwi’t makabalik sa kanilang pamilya dahil wala na silang trabaho’t sahod.
Sa pakikipag-usap ng BITAG sa kumpanyang RD Fishing, aminado silang may kasalanan sa sinapit ng mga Pilipinong mangingisda. Wala na umanong pambili ng krudo ang kumpanya kaya’t hindi na makapalaot ang kanilang barko.
Nakaraang linggo, tinupad ng RD Fishing ang pangako sa BITAG na aayusin ang problema kaya’t nakauwi na ang mga mangingisda sa bansa.
Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW), wala sa kanilang listahan na maaaring mag-empleyo ang RD Fishing ng mga manggagawa sa labas ng bansa.
Sinabi rin ni DMW Spokesperson Antonio Nebrida, tutulong ang ahensiya na mahabol ng mga mangingisda ang mga unpaid wages at iba pang insentibo mula sa RD Fishing Company.
Ang pagtutok ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.