Mahigit dalawampung taon naging guro si Christina “Christy” Curato sa Maysilo Elementary School sa Malabon City. Taong 2017, nang pumanaw ang si Teacher Christy dahil sa sakit na breast cancer.
Ang kaniyang menor-de-edad na anak ay naiwan sa ama nitong si Gart Basco, dating kinakasama ng guro. Lumapit sa BITAG si Gary kasama ang bagong kinakasama nito na si Rona upang humingi ng tulong patungkol sa pension ng yumaong guro na si Teacher Cristy. Anila, sinubukan nilang asikasuhin sa tanggapan ng GSIS ang ‘unclaimed pension’ ni Teacher Christy para sa menor de edad na anak nito.
“Ang pension po ay para po sana sa nag-iisang anak ni Ma’am Christy kasi po malapit nang mag-college yung bata”
“Natapos ko na po lahat ng requierments and then nung ipapasa ko na po sa GSIS Pasay and then nag-inquire po ako kung magkano kaya ang makukuha ng bata para lang may idea, ang sinabi bigla ng GSIS mayroon daw pong outstanding balance na ikinagulat ko po ng husto” paliwang ni Ronalyn.
“Ang akin lamang po, sana nung una pa lamang po sinabi na nila na balance na si Ma’am Christy para po hindi na ako nagpagod mag-ayos ng requirements” dagdag pa niya.
Ayon kay Ronalyn, tatlong beses daw siyang nagpabalik-balik sa opisina ng GSIS para sa ‘unclaimed pension’.
Wala rin daw nababangit ang yumaong guro na umutang ito sa GSIS. Dagdag ni Ronalyn, takot daw sa utang ang yumaong si Teacher Christy.
“Nanghingi pa ako ng kopya ng mga payslip sa school, wala po akong nakitang mga GSIS loan. Ang sabi po ng mga co-teacher ni Ma’am kung mayroon pong loan lalabas po sa payslip dapat” paliwang ni Ronalyn. Agad dinulog ng BITAG ang reklamong ito sa Government Service Insurance System (GSIS).
“Yes, mayroon po siyang utang bale apat po yung active na loan nung member lahat po ay walang bayad. Ang mga loan po ng GSIS ay may system kami na dun nagrereflect” Ayon kay Jonna Pactanac, Division Chief ng Claims Unit ng GSIS NCR.
Umabot umano sa anim na daang libo ang utang ni Teacher Christy at hindi ito nakakabayad. Samantala, hindi daw masasagot ni Pactanac ang tanong ni Ronalyn kung bakit tila pinaasa siya ng GSIS-Pasay sa paglalakad ng pension.
“Bakit po hindi sinabi agad ng mga tauhan ninyo na may utang pala, una sinabi nila na walang utang at may makukuha tapos kung kalian kumpleto na ang requierments bakit biglang may utang na pala?” tanong ni Ronalyn sa GSIS.
“Hindi ko po masasagot kung bakit ganun yung explanation sa kanya nung taga-GSIS pero sa record po namin meron pa pong unpaid maturity benefit yung ating deceased member. Ang problema po mas malaki po yung loan niya dun sa benefit na dapat ibinigay so kahit na bayaran magiging zero proceeds dahil kakainin ng load yung benefit”
Inimbitahan ni Pactanac ang nagrereklamong si Ronalyn na pumunta sa kaniyang tanggapan upang maipaliwanag nang mas maayos ang records na nakita nila sa yumaong guro.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.