Lima katao ang kumpirmadong patay sa pagsabog ng iligal na pagawaan ng paputok sa GK Village Sitio Majada, Brgy. Canlubang, Calamba, kahapon, Nob. 18.
Ayon sa ulat, alas-10 ng umaga nangyari ang pagsabog hanggang sa kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan.
Maliban sa pagawaan ng paputok, limang kabahayan ang naabo sa sunog. Kinilala ang mga nasawi na sina Leticia Coral, 83; James Darwin Coral, 22; Ryan James Gutierrez, 18; Kenneth Buebo, 24; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.
Pare-parehong empleyado ng sumabog na pagawaan ang mga nasawi.
Sugatan din sa pagsabog sina Judd Nelson Coral, Genaro Valentino, Isagani Batalla, Joel Escoton, Joseph Alcantara, at dalawang iba pa. Agad nadakip ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng iligal na pagawaan na nakilalang si Jude Nelson Coral.
Nakumpiska din ng mga pulis sa sasakyan ni Coral ang kahon-kahon na kwitis at iba pang gamit sa paggawa ng paputok. Wala umanong naipakitang permit o dokumento ang may-ari kaya sasampahan ito ng patong-patong na kaso.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.