Hindi na bago sa BITAG ang reklamo ng bangayan ng pamilya at mga mag-anak. Isa rito ang awayan sa mana.
Kanino nga ba mapupunta ang ari-arian ng isang namayapa? Sa unang naging pamilya, o sa pangalawang pamilya?
Gaya ng reklamo ni Kristine Villaran sa Sumbungan ng Bayan: #ipaBITAGmo – hindi pa man daw tapos magluksa sa pagkawala ng asawang si Ruben Villaran, panibagong problema ang kailangan niyang harapin.
Ang anak kasi ni Ruben sa kanyang unang asawa ay gustong angkinin ang palaisdaan na pinalago nila ng asawang si Ruben.
Tanging hawak na dokumento ni Kristine ay ang Rights of Tenancy na nakapangalan kay Ruben.
Hindi kami mag-magaling sa ganitong uri ng sumbong kaya ginamit namin ang “BITAG at Batas” para matulungan si Kristine.
Narito ang naging pahayag ng resident lawyer ng #ipaBITAGmo na si Atty. Batas Mauricio sa isyung ito:
“Ito ay isyu ng mana. Sino ang may karapatang mag-mana sa ari-arian na naiwan ng isang taong namatay na?”
“Nung namatay yung unang asawa ng lalaki at nagpakasal agad si lalaki, wala namang problema dahil biyudo na siya nung nagpakasal siya. Ano ang karapatan ng nasa una? Ano ang karapatan nung nasa pangalawa?
“Una po, hindi nawawala ang karapatan nung mga anak sa una. Paano po ang magiging hatian? Kung ipagpapalagay po natin na ang
palaisdaan ay isang ektarya ang laki.”
“Nung namatay yung unang asawa na babae, ‘yan pong isang ektaryang palaisdaan ay itinuturing na nahati sa dalawa , 50-percent! Which means 5,000 square meters mapupunta po doon sa mga anak sa unang asawa.”
“‘Yun naman pong isa pang 50%, mapupunta po sa asawa ng lalaki na buhay. Maliwanag po ‘yun!”
“Yung palaisdaan nahati sa dalawa anuman ang sukat. Yung kalahati mapupunta sa kabilang bahagi na namatay na at ang kukuha po n’yan ay yung mga anak at yung lalaking asawang naiwan na nabubuhay pa.”
“Malaki po ang hawak nung lalaki, bakit po? Yung kalahati ng kalahati Kanya. Plus yung kalahati sa kabuuan ng palaisdaan. Technically ang hawak ng lalaki 75% nung mamatay ang kanyang unang asawa.”
“Pero nung namatay si lalaki, ito pong 75% na hawak nung lalaki paghahatian ulit – nino? Nito pong asawa niya sa pangalawa kung
mayroong mga anak kasama rin sila at yung pong anak sa unang asawa.”
Ang buong paliwanag ng “BITAG at Batas”, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.