Taong 2016, nakatakda sanang ikasal sina Edgel Joy Durolfo, assistant manager sa isang resort and casino sa Paranaque sa kanyang nobyo na si Rodney Ynchausti, isang medical representative sa isang pharmaceutical company.
Pero hindi ito natuloy dahil naabutan daw ni Rodney si Joy na nakahandusay sa sahig ng isang unit sa mismong resort na kanyang pinapasukan.
Ayon kay Ginang Evangel Durolfo, ina ni Edgel Joy, agad daw siyang nakatanggap ng tawag mula kay Rodney nang araw na iyon.
“Tumawag siya, sabi niya sakin: “Tita, nasa ospital kami ni Joy.” Sabi ko, Bakit? Sabi niya uminom daw sila ng drugs. Sabi ko, sinong uminom? Sabi niya: “Kami pong dalawa.” Anong nangyari kay Joy? sabi niya na-overdose. Sabi ko, Ha? Bakit kayo umabot sa ganoon?”
Dumiretso si Evangel sa San Juan de Dios Hospital kung saan sinugod ang anak niyang si Edgel Joy.
“Puro pasa, tapos ano, lumuluha yung mata niya. Nung dumating ako, kinakausap ko siya, lumuluha yung mata niya eh. Sabi ko, lumaban siya para kay Shaun. Kasi sabi ko napakaliit pa ni Shaun para mawalan ng nanay, Sabi ko, lumaban ka. Tapos sabi ko kung naririnig mo ako, sana lumaban ka hangga’t kaya mo. Sabi ko nang ganon, kasi kawawa naman si Shaun, lalaki nang walang nanay.”
Sa kasamaang palad, pagkalipas ng sampung oras, binawian din ng buhay si Edgel Joy.
Isang single parent si Edgel Joy, bukod sa pagsuporta sa kanyang anak na si Shaun, 8 years old, siya rin ang tumatayong breadwinner ng pamilya.
Isang businesswoman si Nanay Evangel at ang ama ay isang on-call electrician.
Kaya naman labis ang pighati ng pamilya sa pagpanaw ni Edgel Joy.
Humingi ng saklolo ang pamilya Durolfo sa awtoridad.
Ayon sa pulisya, kakaiba ang kinikilos ng fiance ni Edgel Joy; dahilan para si Rodney Ynchausti ay itinuturing na person of interest sa krimen.
Balikan ang buong kwento at imbestigasyon ng BITAG: Crime Desk; ang dahilan at kung paano pinatay si Edgel Joy?
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.