Arestado ang pintor na si Renato Siongco, 45, mula sa Bocaue, Bulacan matapos itong maaktuhan habang gumagawa ng “pla-pla”, “dugong”, “kwitis”, at iba pang ipinagbabawal na paputok noong Nob. 18, Biyernes.
Nakumpiska ng mga pulis sa bahay ni Siongco sa Sitio Bihunan, Brgy. Biñang 1st, Bocaue, Bulacan, ang iba’t ibang uri ng paputok at pulbura na nagkakahalaga ng P50,000.
Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), mahaharap si Siongco sa kasong paglabag sa RA 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.
Mahigpit ang babala ng Bulacan PPO sa mga iligal na pagawaan ng paputok.
Habang papalapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon, lalo rin umanong palalakasin ng Bulacan PPO ang pagsalakay sa mga walang permit na distributor at manufacturer ng mga iligal na paputok.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.