Inilipat na sa regular na selda ang actor-comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro na sinampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), hapon na ngayong araw (Nov. 21) nang matapos ang turnover kay Navarro sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.
Natanggap ng NBI ang commit order para ilipat si Navarro sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa noong Nov. 12 sa utos ng Regional Trial Court Branch 69.
Kinumpirma ng NBI na bago ipasok sa selda ang actor-comedian, dumaan ito sa regular na medical examination katulad ng RT-PCR test na kasama sa protocol ng BJMP.
Si Navarro ay sumuko sa NBI noong Setyembre 19 matapos magpalabas ng arrest order ang Taguig City Regional Trial Court (RTC) sa kasong rape.
Naglagak ito ng piyansa sa Taguig City metropolitan trial court (MTC) sa kasong acts of lasciviousness, subalit hindi ito pinayagang makalaya dahil may nakabinbin pang kasong rape sa korte.
Ang kaso ni Navarro ay nag-ugat sa isinampang kaso noong 2014 ng modelong si Deniece Millinete Cornejo.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.