Wasak ang bahay ng mag-asawang senior citizen sa Brgy. Caglipanao Norte, San Isidro, Northern Samar matapos itong salpukin ng rumaragasang bus ng Philippine Transportation Company (PHILTRANCO).
Sa kabutihang palad, hindi nasaktan sina Jaime Nabor, 77, at kanyang asawang si Prescilla Nabor, 75, dahil saktong nasa bukid si Lolo Jaime habang nangangapitbahay naman ang asawang si Lola Prescilla.
Nangyari ang aksidente noong Agosto, pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang pulisya sa kanilang demand na ipaayos ang nawasak nilang bahay.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, madulas ang daan at hindi nakontrol ng driver ang manibela ng bus kaya ito sumalpok sa bahay ng mag-asawang Nabor.
Tinatayang nasa mahigit P120,000 ang halaga ng pinsala sa bahay ng mag-asawa.
Ang malaking problema ngayon ng lolo at lola, halos hindi na mapakinabangan ang bahay dahil pinapasok ito ng tubig ulan dahil sa pinsala ng aksidente.
Nagpasaklolo ang mag-asawang Nabor sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) upang habulin ang kumpanya ng bus na sumagasa sa kanilang bahay.
Tinawagan ng programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang management ng PHILTRANCO upang idulog ang reklamo.
Sa pakikipag-ugnayan ng #ipaBITAGmo, nangako ang pamunuan ng bus company na sasagutin ang naging danyos sa bahay ng mag-asawang Jaime at Priscilla Nabor.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.