Ilang taon nang kalbaryo ng mga taga-Laguna ang umano’y dugyot na supply ng tubig; kung hindi raw amoy kalawang – halos hindi na ito mapakinabangan dahil kulay putik ang lumalabas na tubig sa kanilang gripo.
Isang ginang ang nagpasaklolo sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) upang ireklamo ang hindi maayos na serbisyo ng Prime Water Company.
Humiling sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang complainant na itago ang kanyang pagkakakilanlan dahil ang inirereklamo niyang water utility ay pag-aari ng real estate magnate na si dating Senate President Manny Villar.
Kwento ng ginang na residente ng San Pablo, Laguna, hindi na raw nila kayang sikmurain ang mabahong supply ng Prime Water.
Bukod umano sa marumi ang tubig, hindi rin daw katanggap-tanggap ang singil ng water utility sa kada cubic meter na konsumo.
Ayon sa complainant, matagal na nilang inirereklamo ang palpak na serbisyo ng Prime Water sa Laguna subalit hindi ito inaaksyunan ng water utility.
Ilang residente rin mula sa San Jose Del Monte Bulacan ang nagrereklamo sa serbisyo ng Prime Water.
Sinubukang kontakin ng programang #ipaBITAGmo ang mga opisyal ng Prime Water Laguna subalit hindi sinasagot ang tawag ng BITAG Multimedia Network (BMN).
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang programang #ipaBITAGmo upang solusyonan ang reklamo ng mga consumer.
Ang sumbong, panoorin sa:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.