MARAMI ang naga-abang sa reaksiyon ko, sa mga sasabihin ko hinggil sa isyung pagpapaliban sa kumpirmasyon bilang sekretaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng aking utol na si Erwin.
Unfiltered, wala naman akong pakialam kung kumpirmahin o hindi ng Commission on Appointments si Sec. Erwin. Ganun paman, I’m my brother’s keeper.
Tandaan, hindi nya hiningi ang posisyon na maging kalihim ng DSWD. In-appoint siya ni President Bongbong Marcos.
Itinalaga siya sa ahensiya dahil sa tiwala sa kaniyang kakayahan na makapagsilbi sa taumbayan.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng pangulo lalo na ng mga Pilipino ang tatak at estilo naming magkakapatid kung public service ang pag-uusapan.
Kaya nakita ni PBBM na ang tatak Tulfo, estilong Tulfo, tulong Tulfo ay may tapang at paninindigan – simula noon, hanggang ngayon.
Nasa sentro ng kontrobersiya ngayon si Sec. Erwin dahil ang kaniyang personal at private issues, kinalkal, pinag-usapan.
Kung tutuusin, wala namang kinalaman ang kaniyang mga personal issues bilang requirement para maging epektibong kalihim ng isang pang-gobyernong ahensiya.
Nagsalita na siya sa isyu ng kaniyang citizenship. Nilinaw nya mismo kinumpirma na bago siya in-appoint ni PBBM, ni-renounce niya na ang kaniyang american citizenship.
Maraming nagsasabi diyan, maraming nagkakandarapa at naghihirap, lumalaban ng patayan para lang makakuha ng citizenship.
Pagkatapos si Tulfo ay basta lang ibabasura ang kaniyang american citizenship? Pakialam niyo?!
Totoong lumaban si Sec. Erwin bilang isang US Army -noon. Kasama siya sa tinawag noon sa First Gulf War Operation Freedom sa Kuwait.
Eh ano ngayon? Lumaban siya para sa bansang Amerika pero ang kaniyang puso’t isipan ay PILIPINO.
Nang masagot ang isyu ng citizenship, sinunod naman ‘yung kaniyang aktibong cyber libel umano.
Buti pa si Sen. Chiz Escudero, sinabing hindi ito dapat maging batayan para sabihing hindi siya karapat-dapat sa posisyon.
Ang Cyber Libel na Libel lang noon, kaakibat sa trabaho naming magkakapatid sa walang takot na paglalantad ng katotohanan. ‘Yung aming mga nasasaktan at nasasagasaan, gumaganti para kami busalan.
Nang hindi umubra ang Cyber Libel case laban sa kaniya, kinalkal na ang kaniyang personal na usapin na akala mong mga TOLITS.
Biruin mo, pati ba naman ‘yung sampung anak ni Sec. Erwin at mga nanay nila, gagamitin laban sa kaniya?
Lahat naman siguro tayo ay may nakaraan, sa murang edad ay nagkakamali. Subalit lahat tayo natututo sa pagkakamaling ‘yun.
Hindi naman nagkukulang ang utol ko sa kaniyang mga obligasyon sa kaniyang mga anak. Hindi naman siya nagpabaya sa kaniyang relasyon sa kaniyang mga anak maging sa mga ina nila.
Ang mahalaga, itinuwid at ika nga ‘living the best of what’s remaining and learning from it.’
Hindi kami mga perpektong tao, marami kayong mahahanap na hindi positibo para sa mata ng iba.
Ang gusto lamang ni si Sec. Erwin ay makapagsilbi sa taumbayan bilang kalihim ng pamahalaan.
Kaya doon sa mga hipokrito na akala mo walang tinatagong baho, P.I. kayo. Kung ayaw niyo, eh ‘di wag!
Kung sa pananaw ninyo ay may mga kahinanaan at kakulangan kami, iisa pa rin ang dugong dumadaloy sa ugat naming mag-uutol — tulong, tapang, tagapagtanggol.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.