Seryosong tinutukan ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang insidente ng pagnanakaw sa isang kilalang hotel sa Clark, Pampanga noong April 12, upang magsilbing babala at aral sa mga madalas mag check-in at mag-staycation.
Isa sa kasong idinulog sa long-running investigative public service program ng BMN na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang sumbong ng mag-boyfriend na sina Jessa Ancajas at Australian national na si Peter Manass.
Nalimas ang gamit ng mag-boyfriend nang mag check-in ang mga ito sa Hotel Seoul sa Mabalacat, Pampanga.
Sa pag-aksyon ng ng BMN Investigative Team, sinadya ng #ipaBITAGmo anginirereklamong hotel para mangalap ng CCTV footages.
Nasapul sa CCTV footage ang estilo ng panloloob sa kwarto ng hotel.
Sapul din sa surveillance video ang galawan ng suspek sa loob ng Hotel Seoul. May bitbit na maleta ang kawatan mula sa kabilang kwarto.
Sa isa pang kopya ng CCTV, makikita ang bitbit na maleta ng suspek habang malaya itong nakalabas sa hotel.
Paniwala ng mga otoridad, sa maletang ito isinilid ang mga nakulimbat nitong gamit sa kwarto ng mag-boyfriend na Jessa at Peter.
Ilan sa mga nawawalang gamit ng mag-nobyo ang isang unit ng Apple Macbook, Apple Ipad, Australian passport, necklace, mga bank book, at cash na P20,000 at 700 US$.
Maliban sa CCTV footages, ibinigay din ng Mabalacat Police Station sa BITAG Investigative Team ang video kung saan madaling pasukin ang mga naka-lock na kwarto ng hotel.
Gamit lang ang isang ID o ATM card, kayang distrongkahin ang mga pintuan ng hotel rooms.
Sinikap ng BITAG Investigative Team na hingan ng pahayag ang management ng Hotel Seoul, subalit tumanggi ang mga ito.
Ang pag-aksyon at pagtutok ng nag-iisang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.