Taong 2006 nang mag-apply ng housing loan sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang ginang na si Luz Laput, residente ng Cavite.
Sa halagang P5,433 kada buwan, isang 2-storey row house ang inaprubahan ng Pag-IBIG Fund. Babayaran niya ang ni-loan na bahay sa loob ng 23-taon.
Oktubre 2022, laking gulat ng ginang ng makatanggap siya ng isang sulat mula sa Pag-IBIG na nagsasabing malapit na raw i-foreclose o ma-ilit ang kanyang bahay.
Sa pagi-imbestiga ng BITAG, napag-alaman na tumigil ang ginang sa pagbabayad sa Pag-IBIG Fund. Akala raw ng ginang, tapos na niyang bayaran ang kaniyang bahay dahil hindi na raw siya nakatatanggap ng billing.
Inilapit ng #ipaBITAGmo ang problema sa Pag-IBIG Fund upang malinawan ang ginang.
Paliwanag ng Pag-IBIG, lumalabas sa kanilang record na ilang taon nang hindi nakabayad si Luz sa kanyang housing loan kaya nagkaroon ito ng foreclosure proceedings.
Nakita rin na nagkapatung-patong na ang balanse nito na umabot sa P148,000 dahil sa hindi pagbabayad ng loan.
Ayon kay Jack Jacinto, Department Head ng Public and Media Affairs ng Pag-IBIG Fund, maaari pang mabawi ng ginang ang kaniyang foreclosure na bahay.
Dagdag ni Jacinto, tatlong paraan ang maaaring pagpilian ng miyembro upang maisalba ang kaniyang niloan na bahay.
Una ay ang tinatawag na loan updating o pagbabayad ng kanyang unpaid loan.
Pangalawa, ang tinatawag na full payment o awtomatikong pagbabayad sa kabuuang halaga ng bahay.
Ikatlo, ang probisyon ng housing loan restructuring kung saan magbabayad ang miyembro ng tatlong buwang hulog.
“Ang purpose namin ay tulungan kayong ma-update ang housing loan ninyo, ayaw din po ng Pag-IBIG na may ma-foreclosed na bahay,” paliwanag ni Jacinto.
“Ang ipon po ng lahat ng miyembro ng Pag-IBIG Fund ay pinapahiram din sa ating mga miyembro para makabili sila ng sarili nilang bahay… ni isang sentimo, wala pong galing sa national government, ang Pag-IBIG Fund po ay pera ng manggagawang Pilipino,” ani Jacinto.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.