Isang separada ang lumapit sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) para ireklamo ang hindi pagbibigay sa kanya ng Solo Parent I.D. ng City Social and Welfare Development (CSWD) ng San Jose del Monte, Bulacan, dahil mayroon daw itong ‘jowa’ o boyfriend.
Sumbong ni Christine Joy Gari, 31, sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, nung una pa lamang aniya ay tila dini-discourage na siya ng mga opisyal ng CSWD.
Ayon kay Christine, binabalaan din siya ng staff ng ahensya na makukulong ito sakaling makipag-usap pa siya sa kanyang dating asawa oras na maisyuhan na siya ng Solo Parent I.D.
Si Christine ay dating empleyado ng isang BPO company. 12 taon nang single mother matapos makipaghiwalay sa kanyang asawang nangaliwa.
May anak siyang inaaruga na 15 at 13 years old, kaya malaking tulong sana sa kanya kung makakuha ng Solo Parent I.D. dahil sa mga pribilehiyo at benepisyong matatanggap niya sa gobyerno.
Hindi rin aniya sumasapat ang P1,000 na sustento ng kanyang dating asawa para sa panggastos ng kanyang dalawang anak.
Kaya naman sakaling makakuha ng Solo Parent I.D., mabibigyan ito ng extra leave sa trabaho at tatanggap din ng iba’t ibang ayuda at pribilehiyo sa gobyerno.
Pero sabi raw ng CSWD, bawal mag-boyfriend ang mga tatanggap ng Solo Parent I.D.
Bawal din daw makipag-chat sa boyfriend o ka-live in. Bawal din dumalaw sa kanyang boyfriend.
Bawal nga ba ang mga ito??? Ang pagtutok at pag-aksyon ng nag-iisang investigative public service program PambansangSumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.