Pumalo na sa three million views ang video ni Iren Getaruelas; ang may-ari ng catering services sa Dumaguete, Negros Oriental na humagulgol sa social media matapos hindi bayaran ang serbisyo niya sa isang kasal.
Lumapit sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) si Getaruelas upang ireklamo ang mag-asawang sina Joan at Arnold General.
Kwento ni Getaruelas sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, noong August pa lamang ay kausap na niya ang mag-asawa para sa design and decoration sa kanilang wedding at reception.
Ang kabuuang halaga ng serbisyo ay umabot sa P47,000 ayon sa complainant.
Nagbigay daw ng P8,000 bilang paunang bayad ang mag-asawa at nangako na babayaran ang balanse pagkatapos ng kasal.
Sa kasamaang palad, hindi raw binayaran ng bagong kasal ang balanse sa caterer dahil wala namang pormal na kontrata sa kanilang kasunduan.
“Tinapos ko yung event sir Ben (Tulfo) kasi sabi ko siguro after the event pwede na siya magbayad, pero hindi po sila nagbayad at binaligtad nila ang istorya,” pahayag ni Getaruelas sa programang #ipaBITAGmo.
“Yun ang mali ko, wala pong kontrata.”
Para sa patas na imbestigasyon, tinawagan ng programang #ipaBITAGmo ang inireklamong mag-asawa.
“Akala ko po nagkaintindihan kami na P21,000, ‘yan lang po ang alam kong babayaran ko,” paliwanag ni Mrs. General.
Nagpaliwanag din ang naging kliyente ni Getaruelas kung bakit hindi na niya binayaran ang balanse.
Ang mga paliwanag ng inirereklamo at ang maaksyong pagtutok at pagresolba ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo sa kaso, panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.