Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI sa Purok 20, Mc Arthur Highway, Brgy. Toril Proper, Toril sa Davao City.
Kinilala ni Police Station 8 Commander PMaj. Carol U. Jabagat ang dalawang nahuling suspek na sina John Lloyd Amistoso Alfeche a.k.a. “JOHN LLOYD”, 24 years old, driver; at John Paulo Dela Peña Unabia, 33 years old, parehong residente ng Davao City.
Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang 0.69 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P9,700, isang unit ng Toyota Innova, at cellphone na ginagamit sa pagtutulak ng droga.
Ayon sa PS 8, isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation. Nang inabot sa mga suspek ang P500 marked money, dito na nasilo ang dalawang suspek.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.