Isa sa sikreto sa matagumpay na negosyo ng 53 years old na si Aling Rebeca Cribe mula sa Quezon City ay ang kanyang mga masipag at tapat na tauhan.
Taong 2013, sinimulan niya ang munting pagawaan ng lumpia wrapper sa loob ng Commonwealth Market.
Dahil sa sipag, sa loob lang ng limang taon, napalago ni Aling Rebeca ang kanyang negosyo.
Subalit noong December 14, 2018… ang katas ng kanyang limang taong pagsusumikap natangay sa isang iglap!
Halos baliktarin ni Aling Rebeca ang kanyang tindahan matapos mapansing nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng pera at mga alahas.
Halos P600,000 na cash at mga alahas na nagkakahalaga ng humigit kumulang P400,000 daw ang nasa loob ng kanyang bag.
Agad nagtungo si Aling Rebeca sa himpilan ng pulisya para i-report ang insidente. Dito napagtanto ng negosyante na nawawala rin ang isa niyang masador ng lumpia.
Mabilisang ikinasa ang imbestigasyon ng Quezon City Police Station 6.
Nakuha ang isang CCTV footage kung saan makikita na tila abala sa pagluluto ng lumpia wrapper ang masador na si Kevin.
Maya-maya, may kinuha sa ilalim ng isang istante ang binata habang palinga-linga at tila nagmamatyag kung may nakakakita sa kanya.
Ilang sandali, lumabas si Kevin sa tindahan dala-dala ang bag ni Aling Rebeca.
Ang masador na si Kevin Cornejo Angelo sa totoong buhay ay tubong Taytay, Rizal, binata at pagiging masador talaga ang hanapbuhay.
Naging mailap ang suspek sa pagtugis ng mga pulis sa Rizal.
Pero dahil mahilig mag-selfie ang suspek, ito ang naging lead ng mga otoridad.
Madalas daw humiram si Kevin ng cellphone sa kanyang katrabaho para buksan ang kanyang Facebook at nalimutan itong i-log out ng suspek.
Ang maaksyong pagtuklas ng BITAG: Crime Desk sa totoong personalidad ni Kevin at kung paano ito nasakote ng Quezon City Police?
Panoorin:
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.