BABALA: “‘Wag pairalin ang init ng ulo sa trabaho…”
Dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagbangasan ng mukha dahil lamang sa hindi tamang pagsasara ng pinto sa kanilang opisina.
Nagpasaklolo sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang isa sa empleyado na nagpakilalang si Gabriel Maderazo, 54, land operator ng Flood Control Sewerage and Management Office (FCSMO) na nasa ilalim ng MMDA.
Sumbong ni Maderazo sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, sinuntok siya ng kanyang katrabaho na si Arnel Palma dahil napagsabihan lamang nito na ayusin ang pagsasara ng pinto sa kanilang opisina.
Nagreport daw si Maderazo sa kanyang supervisor, pero walang aksyon ang kanilang mga opisyal.
“Yun po kasing opisina, parang walang pakialam sa aming mga job order parang pinabayaan lang po kami, nagsumbong naman po ako pero wala silang aksyon,” pahayag ng complainant.
Tinawagan ng #ipaBITAGmo ang nanuntok na empleyado at inamin nito na nasaktan niya si Maderazo dahil sa init ng ulo.
Ayon kay Arnel Palma, nagkasagutan sila ni Maderazo kaya binigwasan niya ito.
Dahil dito, nakatikim ng sermon si Palma mula sa investigative journalist at host ng programang #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo.
“Wala kang karapatan na pagbuhatan ng kamay ang kapwa mo, kapag nanakit ka, may pananagutan ‘yan!” paalala ni Mr. Tulfo.
Hindi rin nakaligtas sa beteranong public service host ang mga opisyal ng MMDA.
“Maging makatao kayo sa mga tao niyo sa ibaba, tratuhin ng makatao ‘yung maliliit, hindi yung porket casual ka o iba pa, ‘wag po ganun, tao rin po sila,” giit ni Mr. Tulfo.
Ang umaatikabong sermon at pag-aksyon ng Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo sa kasong ito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.