Samu’t-saring sumbong ng pananakit sa mga delivery at service riders ang inilapit sa #ipaBITAGmo.
Ang mga inirereklamo, mga costumers na nagalit sa mismong mga riders sa iba’t-ibang dahilan. Mali ang dineliver na item at nalate ang oras ng delivery – eto ang mga pangkarinawang dahilan na kinaiinit ng ulo ng mga kostumer.
Isa sa mga kasong inilapit sa Bitag ay ang pananakit ni “Pandoray” sa isang delivery rider.
Umabot sa sukdulang paghahampasin ng gun case at itinaboy ang rider dahil hindi nakarating sa tamang oras ang pina-deliver na pagkain.
Matatandaan, idineny ni Pandoray ang pananakit sa FoodPanda rider. Isinisi pa sa pobreng driver ang kasalanan nitong late delivery.
Isa pang kaso ng pananakit ang nagviral nitong taon. Himingi ng saklolo ang Lalamove rider na si Rommel Areglamos Jr. matapos siyang pag-hahampasin ng baseball bat ng kaniyang customer.
Ang ikinagalit umano ng kostumer ay atrasadong delivery ng uniporme na dapat ay gagamitin sa graduation ng anak nito.
Katwiran ni rider, na-flatan ng gulong sa daan kaya na-atraso ang kanyang delivery.
Hindi inaasahan ni Rommel na pagdating niya sa drop-off, agad daw siyang sinalubong ng customer na si Alchrist Gonzaga para kunin ang pinadeliver na uniporme.
Pero sa halip na bayad ang sinalubong, mag-asawang hampas ng baseball bat ang ibinigay sa rider.
Sa kopya ng CCTV na ipinadala ni Rommel sa investigative team ng #ipaBITAGmo, makikita ang paghampas ng makailang beses ng customer sa rider gamit ang isang baseball bat.
Isinangguni ng #ipaBITAGmo sa resident lawyer ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang kasong ito.
Ayon kay Atty. Melanio “BATAS” Mauricio, malaki ang pananagutan ng mga customer na nananakit ng rider.
Narito ang kanyang paliwanag:
“Kung ang pagbabatayan natin ay batas ng tao, Revised Penal Code of the Philippines, ang tawag sa kasong ‘yan Frustrated Murder.”
“Dalawang beses hinataw ng baseball bat at kung hindi nasalag sa ulo ang tama abay kamatayan ang aabutin nung rider at dahil na-delay na-late at nagka-aberya yung delivery pero ang problema natin dito kahit anong klaseng problema ang kaharapin ng isang tao, hindi niya dapat nilalagay ang batas sa kanyang kamay katulad ng kasong ito.”
“Ang kaparusahan niyan tatakbo hanggang dalawampung taon na pagkakabilanggo kasi sa ganyang sitwasyon kapag napatay niya ‘yan aba life imprisonment, habang buhay na pagkakabilanggo ang pinaka-ultimo niyan eh, murder ‘yan.”
“Qualified by pre-meditation, qualified by abuse of superior strength ang ibig sabihin po niyan kung ordinaryong murder lang medyo magiging magaan pa, pero pinabigat dahil nga qualified ng mga circumstantial na pangyayari na ang papatibay ng kademonyohan sa isip ng gumawa ng krimen.”
“Bakit kademonyohan? Pinagplanuhan eh, talagang nilagyan ng pagkakataong mapag-isipan kung ano ang gagawin. Pinaghintay yung tao at hindi lang pinaghintay, pinagbalakang papatayin nag-dala ng kotse at ng baseball bat at walang ka-abog abog, suddenly, the suddenness of the attack qualifies if for murder.”
— Atty. Melanio “BATAS” Mauricio
(BITAG Multimedia Network, Resident Lawyer)
Anumang uri ng pananakit sa kapwa, may katumbas na pananagutan at kaparusahan.
Ang kumpanyang nirerepresenta ng mga riders, mayroon ding pananagutan at aksiyon na magagawa para sa proteksiyon ng kanilang mga karapatan.
Buong mensahe at babala ng Bitag at Batas, panoorin.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.