Patay ang isang pulis matapos makipagbarilan sa grupo ng mga holdaper sa M’lang, Cotabato Province nitong Miyerkules, Nob. 23.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 12, labindalawang armadong grupo ang nagdeklara ng holdap sa isang bakery sa nasabing lugar.
Binaril ng mga suspek ang dalawang kostumer at tinangay ang humigit kumulang na P17,000 mula sa kaha ng bakery.
Patay ang isa sa mga kostumer na nakilalang si Jack Gumilao, samatalang sugatan ang isa pang biktima na si Jose Patlubay.
Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang M’lang Municipal Police Station at napatay nila ang apat sa mga suspek.
Ani PLtCol. Realan Mamon, Chief of Police ng M’lang MPS, dalawa sa kanyang mga pulis ang sugatan at isa ang napatay na kinilalang si PSSG. Rudy Amihan na tinamaan ng bala sa dibdib.
Nagsagawa pa ng follow-up operation ang PNP katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para malipol ang mga tumakas na suspek.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.