Isang alyas “Badjao” ang pinagbabaril sa ulo matapos matuklasang tawas sa halip na ‘shabu’ ang ibinenta nitong item sa isang hindi pa nakikilalang suspek sa Bacolod City, kamakailan.
Kinilala ng Bacolod City Police ang biktima na si Mark Christian John Luceño, alyas “Badjao”, 31, residente ng Purok Kingfisher A, Brgy. 16, Bacolod City.
Sa paunang imbestigasyon ng Police Station 1 ng Bacolod City Police, pinagbabaril sa ulo ang biktima noong Biyernes, Nob. 25, habang ito ay nagpapahinga sa kanyang pinapasadang tricycle.
Dead-on-the-spot si Badjao at mabilis na tumakas ang salarin lulan ng motorsiklo.
Ayon kay Major Ramel Sarona, hepe ng Police Station 1, nagkaroon ng kaalitan si Luceño isang araw matapos umano itong magbenta ng tawas sa halip na ‘shabu’ sa isang customer.
Nabatid na si Luceño ay isang ex-convict sa kasong pagnanakaw at nakalaya matapos ang kanyang sintensya.
Inaalam pa ng pulisya kung may iba pang motibo sa pamamaslang maliban sa onsehan sa droga.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.