Kahit may iniindang karamdaman, bumiyahe mula Davao Del Sur ang complainant na si Marvin Dicdican, marating lamang ang programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo.
Si Marvin at dalawa niyang kapatid na may kapansanan – mga ulila nang lubos, ang kanyang sumbong inagawan silang magkakapatid ng mana!
Ang masaklap dito, mismong mga kapatid ng kamamatay nilang ina ang umagaw sa mga ari-arian at pera na dapat ay para sa kanilang magkakapatid.
Personal na nagsadya sa BITAG Multimedia Network (BMN) sa Quezon City si Marvin para isalaysay ang kanilang pinagdadaanan. Kuwento ni Marvin sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, taong 2003 nang sumakabilang buhay ang kanilang ama.
Namayapa naman ang kanilang ina nito lamang Agosto 26, 2021. Ayon kay Marvin, ang panganay nilang kapatid, may sakit na epilepsy. Habang ang isa naman, – bed ridden dahil sa stroke. At si Marvin, may iniindang sakit sa puso.
Sumatutal, si Marvin, bunso sa tatlong magkakapatid ang tumatayong ama at ina sa dalawang niyang kapatid na may kapansanan. Bukod sa pangungulila sa aruga ng mga magulang, matinding kalbaryo rin ang pinagdadaanan ng tatlong magkakapatid.
Dahil sa halip na awa at malasakit, unti-unti silang hinubaran ng yaman at karapatan ng kanilang mga kamag-anak.
Dating Konsehal ng bayan ang ina ng tatlong naulila. May naipundar na itong mga ari-arian at yaman bago sumakabilang buhay. Pinag-interesan daw ng kanilang mga kamag-anak ang mga naiwang ari-arian ng kanilang ina, partikular dito ang kanilang tiyahin na si Bernandita Nicabalo.
Kinuha raw ng Tiyahin ang mahigit P200,000 na huling sahod ng ina nila sa munisipyo ng Kiblawan, Davao Del Sur. Pati umano mga titulo ng lupaitinago nito. Ang natitirang negosyo na dalawang grocery stores, inagaw din. Ultimo mga sasakyan at iba pang ari-arian, isa-isa na rin daw kinukuha ng kanilang mga kaanak.
Hinaing ni Marvin sa Bitag, sinasamantala ang pagkakaroon nilang magkakapatid ng kapansanan at karamdaman ng tatlong naulila. Ang masaklap na pinagdaraanan ng tatlong magkakapatid, tinutukan at inaksyunan ng nag-iisang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo!
Tutukan:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.