AKO’Y naniniwala na sinalsal ang balita hinggil sa ibinigay na “legal opinion” ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla kay DSWD Sec. Erwin Tulfo.
Hinggil ito sa suhestiyon na padadalhan ng sulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ama na ayaw magsustento o magsuporta sa kanilang anak.
Sa unang tingin, tila binabara, kinakagalitan o sinasaltik ni Sec. Remulla si Sec. Tulfo. Pero kung hihimayin ang kaniyang sinabi, nagbigay linaw lamang si Sec. Boying.
Sa pag-anggulo kasi ng storya, nilalagyan ng “flavor” ng mga malikhaing kapatid ko sa media ang anggulo ng pagkakasulat o paghahatid ng balita. Siyempre para exciting, para may aksiyon.
Nga naman, mainit ang isyu sa utol kong si DSWD Sec. Erwin, kailangang sakyan para uminit pa lalo. Pero walang masama sa “paglilinaw” ng sekretaryo ng DOJ, pinasama lang ang dating ng mga nagbalita.
Mas maganda, magsanib puwersa na lang ang dalawang ahensiyang ito para hindi maging kawawa ang mga single mom.
**********
Maaaring ang suhestiyong ito ng DSWD ay nagmula sa napapansin nilang pagdagsa ng mga lumalapit sa kanilang tanggapan na may ganitong problema.
Dahil ‘yung mga luko-lukong mga ama, basta lang anak ng anak pagkatapos ay pababayaan lamang sa mga nanay ang kanilang responsibilidad.
Pangingialam o kalabisan bang matatawag ang pagtawag ng pansin o pagpapa-alala sa kanilang responsibilidad? Demand ba itong matatawag?
Kahit naman siguro pribadong indibidwal, kapag nilapitan at hiningian ng tulong ng nangangailangan ay gagawin sa abot ng kaniyang kakayahan na matugunan ito. Malasakit ang tawag dito.
Lalo na kung tanggapan na ng gobyerno ang nilapitan. Trabaho nilang tulungan ang mga mamamayang lumapit sa kanilang opisina. Tungkulin nilang itaas ang antas ng pamumuhay ninuman.
Hindi na importante kung saan mang tanggapan ka dahil walang masama kung tumulong sa pamamagitan ng pagpapa-alala.
Kasi kung pepreno ka dahil kesyo hindi mo trabaho, you are just trying to enable the abuser – in this case, the deadbeat father to continue their wickedness.
Hindi na pinag-uusapan dito ang posisyon. You can always stand as an individual, a father or a parent na paalalahanan ‘yung iresponsableng ama na nakakalimot.
O, kayong mga iresponsableng putres na ama, kapag nangati ang inyong mga bombolyas, ikiskis niyo na lang sa semento o isuksok niyo sa buho. ‘Wag kayong aanak-anak pa tapos ipapasalo niyo sa gobyerno
Kesehodang disgrasya o planado, responsibilidad na ‘yan.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.