Huli sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City ang tatlong tulak ng iligal na droga, kasunod ng mas pinalakas na anti-drug campaign ng Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay QCPD Director, PBGEN Nicolas D Torre III, ang tatlong nasilo sa buy-bust ay kinabibilangan ng dalawang drug pusher at isang nasa No. 5 drug personality ng Philippine National Police (PNP).
Nasakote sa inilunsad na operasyon ng QCPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang suspek na si Edwin Escalante, 40, residente ng Brgy. 485, Zone 48, Sampaloc, Manila.
Nahuli si Escalante noong Nobyembre 26 sa Area 6, Basketball Court sa Brgy. Botocan, Quezon City.
Sa hiwalay na operasyon ng Eastwood Police Station (PS 12) noong Nob. 25, nalambat din sa buy-bust operation ang No. 5 drug personality target na si Mark Joseph Macatangay, a.k.a. Utak, 31, residente ng Brgy. Bagumbayan, Pasig City.
Laglag naman sa isinagawang operasyon ng Galas Police Station (PS 11) ang drug suspect na si Stephen Caballero, 31, residente ng Brgy. Tatalon, Quezon City.
Umabot sa kabuuang P125,120 ang halaga ng ‘shabu’ na nasamsam sa tatlong magkakahiwalay ng buy-bust operation ng QCPD.
Kakasuhan ang mga nahuling suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.