Bali ang kamay at bangas sa ulo ang sinapit ng security guard na si Laurence Gamarza mula Pandi, Bulacan. Ito’y matapos siyang lusubin at pagnakawan ng dalawang ‘di kilalang suspek sa post ng exclusive subdivision na kanyang binabantayan.
Bukod sa pambubugbog, kinuryente rin daw siya bago tangayin ang kanyang cellphone.
Hindi umano nakilala ni Gamarza ang mga suspek kaya’t palaisipan sa kanya kung bakit siya ang pinuntirya noong gabing iyon.
Reklamo niya sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN), pinabayaan siya ng kanyang agency matapos ang insidente.
Hiling ni Gamarza sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, tulungan siyang humingi ng ayuda sa kanyang security agency para maoperahan ang kanyang kamay.
Pero sa pakikipag-ugnayan ng programang #ipaBITAGmo sa Innovative Security Agency, hindi umano pinabayaan ang guwardiya.
Sa katunayan, ang agency raw ang sumagot sa gastusin nang isugod si Gamarza sa hospital. Bukod dito, nakatanggap pa raw ang guwardiya ng P20,000 cash assistance mula mismo sa General Manager ng agency na si Julito Tupaz.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng agency, love triangle ang lumalabas na anggulo ng pananakit kay Gamarza.
Pag-amin ni Tupaz sa BITAG, ang mister ng kasalukuyang kinakasama ni Gamarza ang tinitingnang suspek sa krimen.
Ang kabuuan ng imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.