Taong 2017, isang indie actor ng mga sexually-oriented films ang nasangkot sa isang kaso matapos pagbubugbugin at mapatay ang isang office supervisor na pinagbintangang nanghipo sa kanyang nobya.
Ang biktima halos mabasag ang bungo sa lakas ng mga suntok ng actor.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi galing trabaho ang 44-anyos na si Frenil Bautista noong November 22, 2017 nang dumaan ito sa isang grocery store sa San Mateo, Rizal para umihi.
Nung mga panahong ‘yun, nandoon din ang indie actor na si Eugene Tejada at live-in partner nitong si Mary Jane Malilin.
Nagsimula raw ang pambubugbog nang magsumbong si Mary Jane sa kanyang nobyo na hinipuan siya ni Frenil.
Sinugod daw ni Eugene sa loob ng C.R. ang biktima at doon ito binugbog.
Ayon sa saksi, hindi raw maawat ang galit nag alit na actor. Tumigil lamang daw ito nang humandusay at nangisay na ang biktima sa sahig ng banyo.
Isinugod sa ospital si Frenil, subalit makalipas ang apat na araw, binawian din ito ng buhay dahil sa matinding pagdurugo sa utak.
Sa pagsusuri ng otoridad sa CCTV ng establishimento, walang nakitang panghihipo sa loob ng grocery store.
“Wala talagang nakita doon na panghihipo. So ang pinagbabasehan lang natin sa bintang sa kanya is by words itself. Statement, testimony lang,” saad ng imbestigador na si SPO1 Wilmer Privado ng San Mateo Police.
Dahil dito, kinasuhan ng homicide ang actor na si Eugene Tejada.
Samantala, hinikayat naman ng otoridad ang publiko na palaging alamin muna ang katotohanan bago gumawa ng anumang aksyon, ganun din na idaan sa tamang proseso o ‘due process’ ang ganitong uri ng kaso.
Balikan ang buong pangyayari sa:
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.