• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
“Enabling the Deadbeat Dad” (Mga Pabayang Ama)
November 28, 2022
“Teacher’s Pet”
December 1, 2022
 
BTUNFIlT

“Na-BITAG kaya, Mananagot na!”

KUNG hindi pa napa-BITAG, hindi pa raw aabot sa Clark Development Corporation (CDC) ang reklamong nakawan laban sa Hotel Seoul Clark.

Mantakin mo, Abril pa nangyari ang nakawan sa loob mismo ng kanilang hotel, Nobyembre na ay ayaw pa nilang sumagot sa nangyaring krimen.

Ayon sa nagrereklamo, hindi raw babayaran ng hotel ang mga nawalang pera, gadgets at bag na ninakaw sa kanila.

A-7 ng Nobyembre nang ipalabas namin ito sa #ipaBITAGmo, tumangging magpa-interview ang hotel. Sinibak na daw sa posisyon ang kanilang mga opisyales kaya’t walang makakapagsalita.

Para makasiguro ang BITAG, nagpadala ako ng investigative team sa Clark upang personal na makausap ang management ng hotel.

Muli, tumanggi sila. Malinaw na ayaw tanggapin ang oportunidad na marinig ang kanilang panig hinggil sa reklamo laban sa kanilang hotel.

Sumatotal, walang kamalay-malay ang mga taga-CDC na may naganap na nakawan sa isa sa mga hotel sa kanilang nasasakupan. 

Habang kuyakoy sila sa pagpapalamig sa loob ng kanilang tanggapan, hirap na hirap naman sa paghabol ang biktima.

Ultimo ang mga pulis, nakikipagtulungan. Nagbigay ng kopya ng mga CCTV sa BITAG ng kanilang imbestigasyon at kuha ng dorobong malayang paikut-ikot sa hotel.

Gamit ang mga regular na ID at card, nabubuksan ang pintuan ng mga kuwarto. 

Ayon sa CDC, bagamat papatawan nila ng “sanction” ang business permit ng hotel, hindi raw nila ipasasara ito dahil “business” pa rin itong maituturing. 

Paglilinaw, hindi anti-business ang BITAG. Nagpapaalala lang kami na ang prebilehiyong “business permit” ay may kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Kung wala kayong pananagutan sa sasapitin ng inyong mga kostumer, pwes, wala din kayong karapatang magnegosyo. 

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved