Pinatawan na ng 60-day preventive suspension ang Barangay Chairman na nagpa-lunok ng barya sa isang 16-anyos na binata sa Brgy. Mabuslo, Bambang, Nueva Vizcaya.
Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya ang suspension order laban kay Rolando Hernandez na nahaharap sa kasong administratibo dahil sa pagmamalabis sa kapangyarihan.
Unang nalantad ang pang-aabuso ng kapitan sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo.
Nagpasaklolo sa programa ang ama ng batang pinalunok ng barya dahil hindi masikmura ang ginawa ng kanilang kapitan sa kanyang anak.
Umamin sa #ipaBITAGmo ang kapitan na pinalunok niya ang binatilyo ng 100-peso bill at limang pirasong tig-pipiso matapos mabalitaan na nasangkot ito sa nakawan.
Niyabang at ipinagmalaki pa ni kapitan sa public service program na marami raw natuwa sa kanyang ginawa.
Samantala, pinayuhan ng investigative journalist at program host ng #ipaBITAGmo na si Mr. Ben Tulfo ang ama ng 16-anyos na biktima na ituloy ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang kanyang anak.
“Nakamtan na ng pamilya ang unang hakbang ng katarungan dahil sa kasong administratibo. Ituloy mo ang kasong kriminal para makulong at mag-himas ng matabang heras ang siga na ‘to,” payo ni Tulfo kay Corpuz.
“Hindi lang tayo basta nagpapalabas ng mga reklamo. Katarungan ang hinihingi ng magulang. Kumilos na ang Sangguniang Bayan ng Bambang, ang suspension na ito para dun sa Abuse of Authority nung kapitan, pero may kasong kriminal pa tayong aabangan,” giit ng host.
Ayon sa hepe ng Bambang Police Station, naisampa na rin nila ang kasong paglabag sa R.A 7610 o Child Abuse laban sa kapitan.
Ang maaksyong pagtutok ng #ipaBITAGmo sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.