AKO’Y humahanga sa ginawa ni Vice-President Sara Duterte. Bilang pinuno rin ng Department of Education (DEPED), naging proactive siya bago pa tuluyang lumala ang kanyang nakikitang problema.
Matatawag na approach avoidance ang paglulunsad niya kamakailan ng Child Protection Unit website at Learner Telesafe Contact Center National Hotline.
May kinalaman ang inisyatibong ito sa pagbabawal sa mga guro na makipag-interact, makipagkomunikasyon at makipagrelasyon sa kanilang mga estudyante.
Ikinagalit ito ng ilang teacher’s organization. Labag daw ito sa karapatan nila sa freedom of expression at right to self-organization.
Say what? Excuse me, hindi kayo ang isyu dito. It’s about empowering our kids.
With due respect mga Ma’am and Sirs, your rights will always be subservient to the rights of those who are protected by the state. In this case – ang mga menor de edad at estudyante.
Tandaan, ang mga estudyanteng menor de edad ay wala pang discernment, rationality lalung-lalo na logic. Wala silang kayang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Kuwidaw, baka akala ng ating mga anak, bragging rights na favorite siya ni teacher o crush siya ni teacher. Lingid sa kanilang kaalaman, ang inaakalang teacher’s pet, may pagnanasa na pala.
Hindi nakikita ng mga kontrapelo na ang inisyatibong ito ng bise-presidente ay para sa mga kabataan, magulang at pati na rin eskwelahan.
Paraang magbibigay ng kaalaman para proteksiyunan ang mga kabataan na posibleng nalalagay na sa bitag ng pananamantala.
Kaalaman na magtuturo sa mga estudyante’t magulang na makita ang mga red flags o tail signs o senyales na may nabibiktima na.
Paraan para sa publiko na makapgsumbong at makarating sa kinauukulan. Mapalawak pa ang mga karapatan at proteksiyon ng mga kabataang pananagutan ng estado.
Ano ang pinaghuhugutan ni VP Sara sa paglulunsad ng mga inisyatibong ito at pagbabawal sa mga guro sa kanilang interaksiyon sa mga estudyante?
Aminin man natin o hindi, ang ilang pananamantala, kung minsan ay guro ang nasa likod nito.
Saan mang bokasyon at hanay, may mga naliligaw ang landas.
Sumang-ayon man kayo o hindi, ang pananamantala ay nagsisimula sa pagkakaroon ng interes o paghanga at kaluanan, pagnanasa na.
Karapatan niyong kumontra pero ‘wag kayong magbulag-bulagan na tingnan ang layunin ng panukala.
O baka naman ‘yung mga umaapela’t kumokontra, ‘yun ang mahilig makipag-untahan sa kanilang mga estudyante?
Bakit nga naman ba kasi magu-ugnayan ang mga guro’t estudyante kapag hindi na oras ng klase o nasa labas na ng eskwelahan?
Aware ba ang mga magulang ang mga ugnayang ito?
Idikdik niyo na lang sa kukote niyo ‘to, iisa lang ang lider sa DEPED.
If you cannot understand, if you cannot follow, then get out of the way.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.