Lumaki sa payak subalit masayang pamilya ang dating kasambahay na si “Marie”; 40-years-old, residente ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Dahil sa hirap ng buhay, hindi pinalad makapagtapos ng pag-aaral si Marie. Mag-isa rin niyang itinaguyod ang kanyang anak sa pagkadalaga.
Napilitan siyang mangamuhan bilang kasambahay sa pamilya ng isang negosyante sa Novaliches, Quezon City.
Noong una, maayos naman daw ang pakikitungo ng kaniyang amo kay Marie.
Hindi nagtagal, unti-unti raw nagbago ang ugali nito. Naging mainitin ang ulo at nagsimula ng pagbuhatan ng kamay si Marie.
“‘Yung ginagawa sa kanya lagi, ‘yung kina-kalmot s’ya sa mukha, minsan hinahataw daw sya nu’ng… ano, dos-por-dos. Minsan, inuuntog pa s’ya,” salaysay ng kapatid ni Marie sa BITAG: Crime Desk.
“Kapag siya ay kumakain, ‘yung panis … ‘yung tira-tira pinapakain. Pinainom pa nga siya ng tubig eh na galing sa paglalampaso. Sampung taon siya nanilbihan dun. Kase kung ano ‘yung edad nung… anak niya, ‘yun din ang taon na siya ay… nawala sa piling ng kanyang anak” dagdag ng kapatid.
Sa haba raw ng panahon na minamaltrato si Marie, malaki ang pinagbago ng kilos at pag-uugali nito.
“Nabago sa kanya ‘yung madali siyang magalit, minsan nagsasalita ng walang kakwenta-kwenta, nagagalit siya sa amin. Minsan naman, tahimik s’ya, parang tulala siya, iniisip niya ‘yung nangyari sa kanya.”
A-10 ng Disyembre taong 2017, alas-2:00 ng hapon ay umalis daw ang buong pamilya ng kanyang amo.
Napansin ni “Marie” na naiwanang bukas ang gate sa likod ng bahay kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras para makatakas.
Nakabalik kaya si “Marie” sa kanyang pamilya?
Natakasan ba nito ang malupit niyang amo?
Ang lahat ng ‘yan, dinokumentaryo ng programang BITAG: Crime Desk.
Panoorin:
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.