“Kung may tyaga, may nilaga.” Ito ang pinatunayan ng 63-anyos na si Encarnacion Valdez o mas kilala bilang Nanay “Ciony” –dating tindera ng bag sa Divisoria.
Ang dalawang dekada niyang pagsusumikap sa pagtitinda ng bag, nagbunga nang makabili siya ng sarili niyang bahay sa Valenzuela City.
Taong 1998 nang magsimula raw magtinda ng bag si Nanay Ciony. Mula sa maliit na puhunan, napaikot at napalago raw niya ang kanyang kita.
“Namuhunan ako ng halagang P500. Pinamili ko ‘yong lahat ng klase ng bag na binebenta namin. Parang pinupulot mo lang yung pera pag nagtinda ka sa bangketa. Doon ako nakabili ng bahay dito sa Valenzuela.” saad ni Nanay Ciony.
Ang pagsusumikap sa buhay ni Nanay Ciony, alay niya raw sa kanyang apat na anak. Taong 1998 din kasi nang maghiwalay sila ng kanyang mister. Magmula noon, itinaguyod niya nang mag isa ang kanyang pamilya.
Kaya naman buong pagmamalaki rin ni Nanay Ciony na napagtapos niya sa pag aaral ang kanyang apat na anak.
“Nakapagtapos ko ng IT yung panganay ko. Isang computer technician siya. Tapos yung anak kong pangalawa, vocational din. Yung anak kong babae nagtatrabaho sa shipping line. Isang accountant siya dun,” pagmamalaki ni Nanay Ciony.
Taong 2019, nang magretiro na sa paghahanapbuhay si Nanay Ciony. Sa ngayon, ang pag aalaga naman ng kanyang mga apo ang bago niyang pinagkakaabalahan sa araw-araw.
Sa kabila ng kanyang pagiging isang solo parent, tunay ngang marami ng pinatunayan at nakamit na tagumpay sa buhay si Nanay Ciony
Aniya, masaya na raw siya kung anuman ang naabot niya, at wala na raw siyang ibang mahihiling pa kundi ang makapiling at makitang nasa magandang kalagayan ang kanyang pamilya.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.