Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inaayos na ang ipamimigay na tig-P500 na ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng kagawaran sa ilalim ng programang Targeted Cash Transfer (TCT).
Sa isang radio interview, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay na nasa P5.2 bilyon ang pondong gagamitin dito ng DSWD para mabigyan lahat ang nasa 12.4 milyong Pinoy na nasa listahan ng “poorest of the poor”.
Ayon kay Punay, target ng kagawaran na maipamudmod ang tig-P500 na ayuda sa mga benepisyaryo bago sumapit ang Pasko.
“This December ipamimigay na ‘yung additional P5.2 billion na additional grant for the third tranche,” ani Punay.
Kabilang sa tatanggap ng P500 na cash aid ang apat na milyong nasa listahan ng 4Ps beneficiaries; 6 milyon na kabilang sa Unconditional Cash Transfer (UCT) beneficiaries kasama na rito ang mga indigent senior citizens; at ang nasa 2.4 milyong benepisyaryo na nasa listahan ng ‘poorest of the poor’ o mga pamilyang nasa pinakamahirap na sektor.
Nauna nang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo ng DSWD para sa ipamimigay na ayuda at iba pang uri ng programa ng kagawaran.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.