Arestado ang isang dating mixed martial arts (MMA) fighter matapos itong mahulihan ng nasa humigit-kumulang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang ‘shabu’ sa Cebu City.
Huli ang ex-MMA fighter na si Slotty Avila, 43, sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sunset Drive, Barangay Lahug, bandang alas-5:00 ng umaga ngayong araw, Dec. 3.
Maliban sa kalahating kilong shabu, nakuha rin sa suspek ang tatlong digital weighing scales, tatlong empty tea bags, drug paraphernalia, at transaction slip ng mga suki nito ng shabu.
Sa ulat ni PDEA Cebu Director Levi Ortiz, responsable ang grupo ni Avila sa pagbebenta ng shabu sa pamamagitan ng mga online shopping at online couriers.
Ayon kay Ortiz, isasailalim pa nila sa chemical analysis ang mga nakumpiskang item sa suspek upang matukoy kung high grade shabu ang mga ito.
Kakasuhan ang dating MMA fighter ng paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act (RA) 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.