Dismayado ang Filipino mixed martial artist (MMA) na si Eduard Folayang sa aniya’y ‘premature’ stoppage ng referee sa laban nila ni Edson Marques ngayong araw.
Hininto ng referee ang laban sa huling yugto ng second round matapos sumubsob sa lona si Folayang dahil sa mga pinakawalang kombinasyon ng Brazilian fighter.
“Hindi naman ako nablanko. Napasubsob lang ako. I think napaaga ‘yung stoppage masyado,” komento ni Folayang sa post-fight interview ng ABS-CBN Sports.
Sinabi ni Folayang na nagulat siya nang magdesisyon ang referee na itigil ang laban at ibigay ang technical knockout (TKO) victory kay Marques.
“Naghahanap ako ng magandang resulta. Pero ‘di ko nakuha. Palagay ko, kaya ko pa namang i-manage yung laban, pero kinabahan ata sila kasi napasubsob ako,” anang Filipino fighter.
Dahil sa muling pagkabigo sa laban ni Folayang, maraming analyst ang nagsasabing mahihirapan na itong makabalik sa limelight o tugatog ng kampeonato.
Ang pagkatalo ni Folayang kay Marques ay ika-limang sunod na talo nito sa MMA.
“Nagawa na yung decision. There’s no reason para pa habulin,” pagtatapos ni Folayag.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.