Si Lea Tintin, 44 years old ay nagtatrabaho bilang isang stay-in na kasambahay sa Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas.
Lumapit siya sa public service program ng BITAG upang idulog ang reklamo laban sa guro ng kanyang anak na hinubaran daw siya sa harap ng madaming tao.
Sa anim na anak ni Lea Tintin ay apat pa ang nag-aaral, tatlong high school student at isa naman ay elementary student.
Nagpaalam si Lea sa kanyang amo na dadaan saglit sa Pantalan Elementary School upang kumuha ng module para sa kanyang bunsong anak.
Dahil nagmamadali at may tatapusin pang labada si Lea ay hindi na siya nagpalit ng kanyang damit.
Pinapasok naman daw siya ng guard kahit na basa ang kanyang damit.
Nakita daw siya ng adviser ng kanyang anak at napansin ang basang damit. Sinabihan daw siya nito ng “ay ang seksi naman”.
Sumagot si Lea ng “ay maam naglalaba po kasi ako nagpaalam lang ako sa amo ko”
Habang pumupirma si Lea ng isang form ay laking gulat niya nang biglang hinatak pababa ng guro ang kanyang suot na damit, dahil walang suot na underwear ay nakita dawn g ibang magulang ang kanyang dibdib.
Hindi raw agad nakapag-react si Lea dahil sa gulat, naririnig pa daw niya na pinagtawanan siya ng mga tao sa paligid.
“Hindi ko po sukat akalain na gagawin ng isang guro ‘yun, bakit po kailangan niya ibaba eh sinabi ko na sa kanya na wala akong suot na bra kasi naglalaba ako at nagpaalam lang ako sa amo ko” kwento ni Lea sa BITAG.
Tinawagan ng BITAG ang inirereklamong guro at paliwang nito ay tinanong lang niya si Lea kung bakit tila hindi akma ang pananamit nito sa loob ng paaralan. Balikan ang kabuuan ng imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.