Mahigit dalawang dosenang depositor ng Union Bank ang humingi ng tulong sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN).
Reklamo ng mga depositors, nagkaroon ng unauthorized transactions sa kanilang mga online banking account.
Ang account executive na si “Maica” ang tumatayong kinatawan ng mga nagrereklamong depositors na umano’y na-hack ang online bank account.
Kuwento ni Maica sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, disoras ng gabi ng matransfer ang perang laman ng kaniyang savings account na P23,357. Laking pagtataka ni Maica dahil walang OTP siya natanggap kung saan naka-double security pa raw ang kaniyang account.
Kinaumagahan, agad niyang tinungo ang branch ng kaniyang bangko upang ireport ang pangyayari. Tinanggihan umano siyang tulungan ng bangko at sinabing magreport na lamang sa kanilang customer service.
Isa pang depositor ang lumantad sa programang #ipaBITAGmo. Himutok naman ng sales officer na si “Melody”, unti-unting naglaho ang laman ng kanyang account na umabot sa P544,000.
Ang masakit, wala raw ibang paliwanag ang Union Bank kundi insidente ito ng illegal transfer transaction.
Bagamat nakita sa mga transaction records ng mga nagrereklamo ang detalye ng pinagpasahan ng kanilang mga pera, hindi raw sila matutulungan ng bangko na matukoy ang mga ito.
Ang kawalang aksiyon at pambabalewala umano ng Union Bank sa kanilang mga reklamo ang nagtulak sa kanilang mga depositors na lumapit na sa BITAG.
Nakipag-ugnayan ang #ipaBITAGmo sa Union Bank upang ipaabot ang mga reklamo. Ayon sa isang email statement na ipinadala ng sa BITAG:
“We are currently verifying the complaints mentioned on BITAG public service program. We assure everyone that UnionBank takes cybersecurity concerns seriously and continuously monitors its systems for possible cyber-attacks,” pahayag ng Media Relations Officer ng Union Bank.
Kasalukuyan, nakikipagtulungan ang BITAG Multimedia Network kay Manila 5th District Rep. Irwin Tieng na may akda ng House Bill 3172 o ang “Anti-Account Scamming.” Layunin ng House Bill 3172 na bigyan ng proteksyon ang mga bank depositors laban sa mga nasa likod ng unauthorized transactions o illegal transfers ng mga bank depositors.
“May provision na kasama sa House Bill 3172, in the event na hindi ayusin ng bangko ang kanilang sistema pwede silang mapatawan ng parusa, immediate restitution ng account,” ani Cong. Tieng.
“Ibig-sabihin, kapag hindi nila inasikaso ang complaint, wala silang mga safeguards like OTP features, immediately kailangan ibalik yung pera sa depositor.”
“Kumikita naman ang mga bangko sa ating mga konsyumer na ating mga kliyente so dapat din may safeguards, dapat doble-triple nila ‘yan, may sagutin sila sa house bill na ito kapag napasa ito.”
Si Congressman Irwin Tieng rin ang chairman ng Committee on Banks and Financial Intermediaries ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nangako si Cong. Tieng na tutulong sa mga biktima. Ipapatawag umano ni Cong. Tieng sa kaniyang tanggapan ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Union Bank para sa mga reklamong ito.
Ang buong detalye ng sumbong, panoorin:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.